Tagalog sa Web mga ibang wika

Ang Pelikulang JESUS

Maaaring marami ka nang napanood na palikula nguni't naiiba ang pelikulang "Jesus". Ito ay nagpapahayag ng tungkol sa buhay ni Cristo at totoong nakapagpapabago ng buhay.

Ang pelikulang Jesus ay may pinakamaraming salin sa kasaysayan at pinalalabas sa maraming bahagi ng mundo. Ang dahilan nito ay ang katapatan ng Banal na Kasulatan.

Ang Ebanghelyo ayon kay Lucas mula sa Biblia ang ginamit na basehan ng pelikula. Limang taon ng masusing pananaliksik at paghahanda ang isinagawa bago sinimulan ang paggawa sa pelikula sa Israel mismo. Ang mga dalubhasa sa larangang ito patungkol sa Biblia ay kinunan ng mahahalagang impormasyon. Nagkaroon din ng pagsasanay sa paglikha ng mga kagamitan at kasuotan nang panahong iyon.

"Ninanais namin na makagawa ng isang paglalarawan tungkol sa isang taong nabuhay may 2,000 taon na ang nakalilipas." Sabi ni Paul Eshleman, "Nabuhay si Jesus sa pamamagitan ng pagtatrabaho, namuhay kasama ng mga tao, kumain ng kanilang pagkain, nakaalam ng kanilang paghihirap. Nais naming magkaroon ang mga manonood ng mas mabuting pagkaunawa sa taong ito na siyang nagbago ng takbo ng kasaysayan at nabubuhay hanggang ngayon - Dios at tao rin naman, si Jesus na taga-Nazareth."

Nangailangan ng maingat na pag-aaral sa paghahanap ng mga artistang gaganap sa katauhan ni Jesus. Upang higit na maging kapani-paniwala ang 45 pangunahing artistang lalaki at ang 5,000 iba pang gumaganap ay pinili mula sa mga taong nanirahan sa Gitnang Silangan. Ang pangunahing papel ni Jesus ay ibinigay kay Brian Deacon, tanyag na miyembro ng Royal Shakeperean Company ng Britanya. Pinili siya mula sa 1,000 aktor dahilan sa simple nguni't may paggalang siya sa katauhan ni Jesus gaya ng inilarawan sa atin sa aklat ni Lucas.

Sa kasalukuyan, ang pelikulang JESUS ay naisalin na sa kahigit na 440 wika. Ito ay napapanood na ng mahigit na 1.1 bilyong katao sa boung mundo. Ang Campus Crusade for Christ International ang gumastos at naging tagapagtaguyod ng pelikula sa produksyon ni John Heyman, matagumpay mula sa Cannes Film Festival. Ang Warner Brothers naman ang siyang unang nagpalabas sa mga sinehan sa Amerika.

Jesu Cristo

Sino si Jesus?

Ang Pelikulang Jesus Ang Apat na Tuntunin Ang Buhay Na Puspos ng Banal na Espiritu Mga Oportunidad Mga Makatutulong na Impormasyon

© 1998-2003 Philippine Campus Crusade for Christ| webmaster@greatcom.org

03/19/01