| mga ibang wika |
| 7 Panimulang Hakbang Para sa Matagumpay na Pag-aayuno at Panalangin | Isang Pangwakas Na Salita |
Hakbang # 7: Umasa sa Bungang Magaganap Kung matapat kang nagpapakumbaba sa harapan ng Panginoon na nagsisisi at nananalangin at nagmumuni-muni ng Kaniyang Salita, mararanasan mo ang init ng Kaniyang Presensiya (Juan 14:2). Pagkakalooban ka ng Panginoon ng bagong espirituwal na pagpapahayag. Ang iyong pagtitiwala at pananampalataya ay lalakas. Makararamdam ka ng panibagong lakas ng isip, espiritu, at katawan. Magkakaron ka ng mga sagot sa panalangin. Ngunit ang minsanang pag-aayuno ay hindi pang-isahang gamutang espirituwal. Kung kailangan natin ang pagpupuspos ng Banal Na Espiritu araw-araw, ganon din naman ang bagong panahon ng pag-aayuno. Ang dalawampu't apat na oras bawat linggo ay isang dakilang karanasang may dakilang gantimpala sa maraming Kristiyano. Kailangan mo ng panahon upang mapalakas ang iyong pag-aayuno. Huwag mawalan ng loob kung ang unang pagaayuno ay hindi matagumpay. Maaaring pinilit mong mag-ayuno nang matagal sa unang pagkakataon, o maaaring kailangang palakasin mo ang iyong pang-unawa. Kung kailan maaari, mag-ayunong muli hanggang magtagumpay ka. Pahahalagahan ng Diyos ang iyong katapatan. Samahan ninyo ako sa pag-aayuno at panalangin nang paulit-ulit hanggang magkaroon tayo ng bagong espirituwal na kalakasan sa ating tahanan, simbahan, bansa, at buong daigdig. [ Nakaraang Pahina | 7 Panimulang Hakbang Sa Pag-aayuno at Panalangin | Susunod na Pahina ] |
| Jesu Cristo | Ang Pelikulang Jesus | Ang Apat na Tuntunin | Ang Buhay Na Puspos ng Banal na Espiritu | Mga Oportunidad | Mga Makatutulong na Impormasyon |
© 1998-2003 Philippine Campus Crusade for Christ| webmaster@greatcom.org
03/19/01