Tagalog sa Web mga ibang wika
Mga Maililipat na Paniniwala ni Dr. Bill Bright Paano Ka Makararanas ng Pag-Ibig at Pagpapatawad ng Diyos
Ang Pagpapatawad Na Kaloob ng Diyos
Ang Pinakadakilang Kaugnayang Iyong Mararanasan

Paglipat Mula Sa Di Mabungang Buhay
Malaya Kang Makapamumuhay Sa Espiritu
Paano Tanggapin Ang Pag-Ibig At Pagpapatawad Ng Diyos
Isang Pormulang Espirituwal
Pansariling Gabay Sa Pag-aaral
Mga Katanungang Pang-Grupo
Mga Gamit sa Paglago

Ang Pagpapatawad Na Kaloob Ng Diyos


Nahihirapan ka bang maniwalang pinatawad ka na ni JesuCristo? Maaaring naniniwala ka sa isip, ngunit ganoon din ba sa iyong puso?

Magkunwaring kabilang ka sa mga taong nasa kuwentong ito ni Lucas:

Lucas 5:18-22 , 24

At narito, dinala ng mga tao na nasa isang higaan ang isang lalaking lumpo: at pinagpilitan niyang maipasok siya, at ilagay siya sa harap nila. At sa hindi pagkasumpong ng mapagpapasukan, dahil sa karamihan, ay nagsiakyat sila sa bubungan ng bahay, at siya’y inihugos mula sa butas ng bubungan pati ng kaniyang higaan, sa gitna, sa harapan ni Jesus. At pagkakita sa kanilang sa kanilang pananampalataya, ay kaniyang sinabi, Lalake, ipinatatawad sa iyo ang iyong mga kasalanan.

Sino ito na nagsasalita ng mga kapusungan? Sino ang makapagpapatawad ng mga kasalanan, kundi ang Diyos lamang?

Datapuwa’t si Jesus , na nakatatanto ng kanilang mga iniisip, ay sumagot at sinabi sa kanila, Bakit pinagbubulaybulay ninyo sa inyong mga puso... upang maalaman ninyo na ang Anak ng tao ay may kapamahalaan sa lupa na magpatawad ng mga kasalanan (sinabi niya sa lumpo), Sa iyo ko sinasabi, Magtindig ka, at buhatin mo ang iyong higaan, at umuwi ka sa bahay mo.

Anong kahanga-hangang pagpapakita ng malayang pagpapatawad ng Diyos.

Ang Salita ng Diyos ang nagsasabi na sa pamamagitan ng kamatayan  ni Kristo sa krus ay pinalaya na  tayo ng Diyos-  sa ating mga kasalanan at mula sa Utos (Law).

Marahil ay nahihirapan kang paniwalaan sa iyong puso na ang iyong kasalanan ay nabayaran na. Marahil ay iyong iniisip, "Lubhang napakarumi ng aking pag-iisip tungkol sa kapuwa ko." O kaya’y, "Ginagamit ko ang pangalan ng Diyos sa di-tamang paraan. Mapatatawad Niya kaya ako?

Ang totoo niyan ay napatawad ka na Niya. Kailangan lamang ay angkinin mo ang Kaniyang kapatawaran at paniwalaan ang Kaniyang pangako. At anong pangako ito?

Sapagka’t kung paanong ang mga langit ay mataas kay sa lupa, Gayon kalaki ang kaniyang kagandahang loob sa kanila na nangatatakot sa kaniya. Kung gaano ang layo ng silanganan sa kanluran, Gayon inilayo niya ang mga pagsalangsang natin sa atin. (Mga Awit 103:11, 12).

Ito ang kapatawaran ng Diyos. At isipin ito! Magiging iyo ito sa sandaling paniwalaan mo si Jesus bilang Tagapagligtas at tanggapin Siya sa iyong buhay bilang Panginoon.

[Paano Ka Makararanas ng Pag-Ibig at Pagpapatawad ng Diyos // Susunod na Pahina]

Jesu Cristo

Sino si Jesus?

Ang Pelikulang Jesus Ang Apat na Tuntunin Ang Buhay Na Puspos ng Banal na Espiritu Mga Oportunidad Mga Makatutulong na Impormasyon

© 1998-2003 Philippine Campus Crusade for Christ| webmaster@greatcom.org

07/11/06