Tagalog sa Web mga ibang wika
Mga Maililipat na Paniniwala ni Dr. Bill Bright Paano Ka Makararanas ng Pag-Ibig at Pagpapatawad ng Diyos

Malaya Kang Makapamumuhay Sa Espiritu


Matutuklasan mo ang kalayaang natagpuan ni Pablo at mararanasan mo ang tagumpay na isinulat niya sa Mga Taga Roma sa kabanata bilang 8:

Ngayon nga’y wala nang anomang hatol sa mga na kay Cristo Jesus, Sapagka’t ang kautusan ng Espiritu ng buhay na na kay Cristo Jesus ay pinalaya ako sa kautusan ng kasalanan at ng kamatayan.

Sapagka’t ang hindi magawa ng kautusan, na mahina sa pamamagitan ng laman, sa pagsusugo ng Dios sa kaniyang sariling Anak na naganyong lamang salarin at dahil sa kasalanan, ay hinatulan ng Dios sa laman ng kasalanan: Upang ang kahiligan ng kautusan ay natupad sa atin, na hindi nangagsisilakad ayon sa laman, kundi ayon sa Espiritu (Mga Taga Roma 8:1-4).

Ang Banal Na Espiritu ay nagbibigay kapangyarihan sa iyo upang mabuhay sa espiritu. May ilang taong hinanap ko ang Diyos ng buong puso. Sinubukan ko ang lahat ng pansariling disiplina ng katawan katulad ng pag-aayuno at panalangin, pagmamakaawa sa Diyos na igawad ang Kaniyang kapangyarihan. Lalo akong nagsumikap, lalo akong nabigo. Isang araw, habang pinag-aaralan ko ang talatang ito sa Mga Taga Roma, ay natuon ang pansin ko sa talatang ito na nakapagpabago ng aking pananaw:

Sapagka’t ang kaisipan ng laman ay pakikipagalit laban sa Dios; sapagka’t hindi napasasaklaw sa kautusan ng Dios, ni hindi maaari (Roma 8:7).

Anong laking ginhawang natuklasan ko na kailanman ay di maaaring ipamuhay ang buhay Kristiyano sa pamamagitan ng sariling sikap. Dapat akong magtiwala kay  Kristo na Siya lamang  makapagbibigay sa akin ng  kapangyarihang maipamuhay ang siyang nararapat bilang Kristiyano. Makikita mo na ang buhay Kristiyano ay di-pangkaraniwan at si Kristo lamang, sa kapangyarihan ng Banal Na Espiritu, ang makapagbibigay kapangyarihan sa iyo na ipamuhay ito.

Ang mga pansariling disiplinang relihiyosong ginagawa ay nagbubunga lamang ng kabiguan. Pinalalaya ka ng Banal Na Espiritu mula sa kapangyarihan ng kasalanan at kamatayan. Sa kapangyarihan lamang ng Banal Na Espiritu may tagumpay!

Sa pamamagitan ng pananampalataya ay makararanas ka ng pag-ibig at pagpapatawad ng Diyos at makapamumuhay sa espiritu. Ang pananampalataya, hindi sariling sikap, ang nagbibigay lugod sa Diyos.

Ngunit hindi sapat ang manampalataya sa pananampalataya. Sa panahon ng taglamig, ang isang tao’y maaaring maniwalang ang yelo sa lawa ay madadala siya. Matapang na makapaglalakad siya sa manipis na yelo - at tunay na mababasa.

Dapat mong ilagak ang iyong pananampalataya, mahina o malakas, sa isang mapagkakatiwalaan. Ang pinagkakatiwalaan ng Kristiyano ay ang Panginoong Jesus at ang Kaniyang banal at hiningahang Salita. Ang Panginoon lamang ang may kapangyarihang iligtas ka mula sa makamundong buhay sa isang kaugnayang puno ng tuwa at masaganang biyaya.

DIYOS

BANAL NA BIBLIA

Dapat mong ilagak ang iyong pananampalataya sa isang mapagkakatiwalaang Diyos at ang Kaniyang Salita. Lalo mong nakikilala ang Diyos, lalo mo Siyang pagkakatiwalaan. At lalo mo Siyang pinagkakatiwalaan ay lalo mong mararanasan ang Kaniyang di-makasariling pag-ibig at walang hanggang kapangyarihan.

[Nakaraang Pahina // Paano Ka Makararanas ng Pag-Ibig at Pagpapatawad ng Diyos // Susunod na Pahina]

Jesu Cristo

Sino si Jesus?

Ang Pelikulang Jesus Ang Apat na Tuntunin Ang Buhay Na Puspos ng Banal na Espiritu Mga Oportunidad Mga Makatutulong na Impormasyon

© 1998-2003 Philippine Campus Crusade for Christ| webmaster@greatcom.org

07/11/06