| mga ibang wika |
Sino, sa iyong palagay, ang pinakatatanging tao sa lahat ng panahon? |
Si Jesus at ang Intelektuwal |
Si Jesus ay Nagbibigay ng Kapayapaan Si Jesus ng Nasaret, ang Prinsipe ng Kapayapaan, ay siyang tanging makapagbibigay ng kapayapaan sa isang daigdig na puno ng kaguluhan. May nagsabi na, "Hindi kailanman magkakaroon ng kapayapaan sa bawat puso o sa hapag-usapan saanman sa mundo hanggang hindi namumuno ang Prinsipe ng Kapayapaan sa puso ng tao." Sinabi ni Jesus, "Ang kapayapaan ay iniiwan ko sa inyo; ang aking kapayapaan ay ibinibigay ko sa inyo: hindi gaya ng ibinibigay ng sanglibutan, ang ibinibigay ko sa inyo. Huwag magulumihanan ang inyong puso, ni matakot man" (Juan 14:27). Sinabi rin Niya. Sinabi rin Niya, "Magsiparito sa akin, kayong lahat na nangapapagal at nangabibigatang lubha, at kayoy aking pagpapahingahin" ( Mateo 11:28). Bawat isay nakasumpong ng mga paghihirap. Ang Kristiyano ay hindi malaya. Ang pagiging Kristiyano ay hindi nangangahulugan na bigla na lamang magkakaroon ng isang ulirang kalagayan., kundi magkaroon ng Isang sumasaatin na nagsabing, "Narito, akoy sumasa inyong palagi - hanggang sa katapusan ng sanglibutan" (Mateo 28:20). Anong uri ng kapayapaan ang ibinibigay Niya sa mga nagtitiwala sa Kaniya? Ito ay isang matahimik na pagtitiwala na dahil sa ating may kapangyarihan at mapagmahal na Diyos ang may kapamahalaan, wala tayong dapat ipangamba. Binibigyan tayo ng kapayapaan sa Diyos sa pamamagitan ng kapatawaran ng kasalanan. Nagbibigay Siya ng kapayapaan ng kaisipan sa pamamagitan ng walang balakid na kaugnayan sa Kaniya Ipinapakita Niya sa atin kung paanong magkaroon ng kapayapaan sa kapuwa tao sa pamamagitan ng pagtuturo sa atin kung paanong ibigin ang iba. Kapag Siya ang may kapamahalaan, walang pangyayari, sama ng loob o kalumbayan ang makatitinag ng kapayapaang iyon. Ang trahedya at kalumbayan ay darating sa iyong buhay, ngunit si Kristo, ang Prinsipe ng kapayapaan, ay naghihintay na maluklok sa trono ng iyong buhay upang magbigay ng Kaniyang patawad, ng Kaniyang layunin at kapayapaan. [Nakaraang Pahina| Si Jesus at ang Intelektuwal |Susunod na Pahina] |
| Jesu Cristo | Ang Pelikulang Jesus | Ang Apat na Tuntunin | Ang Buhay Na Puspos ng Banal na Espiritu | Mga Oportunidad | Mga Makatutulong na Impormasyon |
© 1998-2003 Philippine Campus Crusade for Christ| webmaster@greatcom.org
07/11/06