Tagalog sa Web mga ibang wika
7 Panimulang Hakbang Para sa Matagumpay na Pag-aayuno at Panalangin Anim Na Mahahalagang Tanong Tungkol Sa Panalangin
T: Ano ang Panalangin?

Sa simpleng salita, ang panalangin ay pakikipag-ugnay sa Diyos. Ang tunay na panalangin ay pagpapahayag ng ating debosyon sa ating nasa langit na Ama na inaanyayahang mangusap Siya sa atin habang tayo ay nakikipagusap sa Kaniya.

T: Sino ang Maaaring Manalangin?

Kahit sino ay puwede, ngunit yaon lamang may pananampalataya at pagsunod kay Kristo ang makaaasa ng sagot sa Kaniyang dalangin.

Ang pakikipag-ugnay sa Diyos ay nagsisimula nang tanggapin natin si Jesus sa ating buhay bilang Tagapagligtas at Panginoon (Juan 14: 16). Ang panalangin ng may malinis na puso ay mahalaga din sa matagumpay na panalangin. Hindi natin maaasahang sasagutin ng Diyos ang ating mga panalangin kung may kasalanan tayong di-nahahayag o kung tayo ay di makapagpatawad (Mga Awit 66:18: Marcos 11:25 ). Kailangang tayo ay nananalig sa ating puso at humihiling ayon sa Kaniyang kalooban (Mateo 9:29: 21:22: I Juan 5: 14. 15)

T: Bakit tayo Nananalangin?

Iniutos ng Salita ng Diyos na tayo'y manalangin (Lucas 18:1: Mga Gawa 6:4: Marcos 14: 38: Filipos 4:ó: Colosas 4:2: I Timoteo 2:1.2)

Nananalangin tayo upang makipagniig sa Diyos, tumanggap ng paglagong espirituwal at lakas upang ipamuhay ang matagumpay na buhay at mapanatili ang lakas ng loob na maging saksi ni Kristo.

Pinakakawalan ng Diyos ang Kaniyang dakilang kapangyarihan upang baguhin ang kalikasan, tao, at bansa.

T: Kanino tayo dumadalangin?

Dumadalangin tayo sa Ama sa pangalan ng Panginoong Jesucrsisto sa pamamagitan ng Banal Na Espiritu. Kapag tayo'y nananalangin sa Ama, ang ating panalangin ay tinatanggap ni Jesucristo at binibigyang kahulugan para sa Ama ng Banal Na Espiritu (Mga Taga Roma 8:26, 27. 34).

Sinasabi sa Salita ng Diyos na tayo ay dapat "manalangin lagi" (I Tesalonika 5: 17). Maaari tayong manalangin sa buong araw na ipinapahayag ang ating debosyon sa Diyos habang tayo'y gumagawa sa maghapon.

Hindi kailangang tayo'y nakaluhod, o nasa isang tahimik na kuwarto upang manalangin. Nais ng Diyos na tayo'y makipag-ugnay sa Kaniya saan man tayo naroroon. Maaari tayong manalangin sa kotse, habang naghuhugas ng pinggan, o naglalakad sa kalsada.

T: Sino ang maaari nating isama sa Panalangin?

Hindi maaaring gawan ng pormula ang panalangin ngunit may mga bagay na kailangang isama sa ating pakikipag-usap sa Diyos: Pagsamba, Pagpapahayag ng kasalanan, Pasasalamat, Paghiling (4 na P).

P- agsamba/ Pagpupuri

Ang pagpupuri sa Diyos ay pagsamba sa Kaniya, pagdakila at pagtataas sa ating puso, isip, at salita.

P- agpapahayag ng kasalanan

Kapag tayo'y sumamba at nagpuri, ito'y nagbibigay pagkakataon sa Banal Na Espiritu na ipakita ang kasalanan sa ating buhay na kailangang ihayag.

P- asasalamat

Ang pagpapasalamat sa Diyos dahil sa Kaniyang pagiging Diyos at sa mga pagpapalang nasa atin dahil tayo ay Kaniya ay nagpapakita na Siya nga ay may kapangyarihan sa lahat ng bagay - hindi lamang pagpapala, kundi ganon din ang mga problema at kapighatian.

P- aghiling

Kasama sa paghiling ang nauukol sa ating mga pangangailangan at ng sa iba. Hilingin ang panloob na pagpapalakas, laging nakikinig sa at pinangyayarihan ng Banal Na Espiritu. Ipanalangin ang iba - ang iyong asawa, anak, magulang, kapitbahay, at kaibigan; ang ating bansa at ang mga nakatataas sa atin. Ipanalangin ang kaligtasan ng mga kaluluwa, ang araw-araw na pagkakataong maituro ang iba kay Kristo at sa gawain ng Banal Na Espiritu, at ang pagtupad ng Dakilang Gawain.


[7 Panimulang Hakbang Sa Pag-aayuno at Panalangin | Nakaraang Pahina]

Jesu Cristo

Sino si Jesus?

Ang Pelikulang Jesus Ang Apat na Tuntunin Ang Buhay Na Puspos ng Banal na Espiritu Mga Oportunidad Mga Makatutulong na Impormasyon

© 1998-2003 Philippine Campus Crusade for Christ| webmaster@greatcom.org

03/19/01