Tagalog sa Web mga ibang wika
Mga Maililipat na Paniniwala ni Dr. Bill Bright Paano Ka Makararanas ng Pag-Ibig at Pagpapatawad ng Diyos

Ang Pinakadakilang Kaugnayang Iyong Mararanasan


Si Jesus ng Nasaret ay Siyang pinakamakapangyarihan, pinakatatangi, at pinaka kaakit-akit na tao ng lahat ng panahon. Ang makilala Siya bilang sariling Tagapagligtas at Panginoon ay ang batayan ng pinakadakilang kaugnayang magiging iyo sapagkat sa pamamagitan lamang ni Jesus ka makararanas ng pag-ibig at pagpapatawad ng Diyos. Hayaan mong ipaliwanag ko:


Inangkin Ni Jesus ang Pagka-Diyos


Isang taglamig nang Pista ng Paghahain (Hanukkah), naglalakad si Jesus sa Pasilyo ni Solomon sa templo ng Jerusalem. Isang pulutong ang nakapalibot sa Kaniya at pilit na nagtatanong, "Hangggang kailan mo kami pagtatakhin? Sabihin mo nang maliwanag kung ikaw nga ang Kristo.

"Sinagot sila ni Jesus, Sinabi ko sa inyo, at hindi kayo nagsisampalataya: ang mga gawang ginagawa ko sa pangalan ng aking Ama, ay siyang nangagpapatotoo sa akin. Datapuwa’t hindi kayo nagsisisampalataya... Ako at ang Ama ay iisa"(Juan 10:22-26, 30).

Ang pag-angkin ng ating Panginoon ay pinatunayan ng hula. Daan-daang taon bago dumating si Jesus sa daigdig, iba’t ibang propeta ng Israel ang humula tungkol sa Kaniyang mabalaghang pagsilang, ang pook na pagsisilangan sa Kaniya, ang Kaniyang makadiyos na pagkatao, ang layunin ng Kaniyang ministeryo, paano Siyang mamamatay, at paano Siya mabubuhay na mag-uli. Ang mga hulang ito ay ilan lamang sa mga hula tungkol sa buhay, ministeryo, kamatayan, at pagkabuhay na mag-uli ni Jesus. At tinupad Niya ang bawat isang detalye nito.

Matapos ang Kaniyang malupit na pagkapako sa krus, ipinamalas ni Jesus ang Kaniyang pagkadiyos sa pamamagitan ng pagbangong muli mula sa mga patay, at pagpapakita sa daan-daang tao sa loob ng apatnapung araw na mayroong limang daan sa isang beses lamang. At sa gitna nang pagkamangha ng Kaniyang mga alagad, bumalik si Jesus sa langit na ipinangakong patuloy Siyang makikipag-ugnay sa mga umiibig sa Kaniya.

Ang banal at hiningahang Salita ng Diyos ay nagpatunay sa pag-angkin ni Jesus Ang Apostol Pablo ay sumulat, " Na kaniyang ipinangako nang una sa pamamagitan ng kaniyang mga propeta sa mga banal na kasulatan. Tungkol sa kaniyang Anak, na ipinanganak sa binhi ni David ayon sa laman. Na ipinahayag na Anak ng Dios na may kapangyarihan ayon sa espiritu ng kabanalan, sa pamamagitan na pagkabuhay na maguli ng mga patay, sa makatuwid baga’y si Jesucristo na Panginoon natin" (Mga Taga Roma 1:2-4).


Si Jesus Ang Nagbigay ng Buhay na Kailangan Mo


Si Jesus ay namuhay sa mundo hindi lamang upang patunayan na Siya ay Diyos. Pumarito Siya upang pagkalooban ka ng walang hanggang buhay, upang maghandog ng pagpapatawad at palayain ka mula sa kasalanan at pagiging maysala, upang bigyan ka ng ganap at makahulugang buhay sa daigdig na ito. At dahil si Jesus ay Diyos mapatatawad Niya ang iyong kasalanan upang makapamuhay ka ng masagana.

Sa pakikipag-usap Niya sa isang relihiyong lider noon, sinabi ni Jesus, "Sapagka’t gayon na lamang ang pagsinta ng Dios sa sanglibutan, na ibinigay niya ang kaniyang bugtong na Anak, upang ang sinomang sa kaniya’y sumampalataya ay huwag mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan. Sapagka’t hindi sinugo ng Dios ang Anak sa sanglibutan upang hatulan ang sanglibutan; kundi upang ang sanglibutan ay maligtas sa pamamagitan niya." (Juan 3: 16, 17).

Isinulat ni Pablo, "Ngayo’y wala nang anomang hatol sa mga na kay Cristo Jesus. Sapagka’t ang kautusan ng Espiritu ng buhay na na kay Cristo Jesus ay pinalaya ako sa kautusan ng kasalanan at ng kamatayan" (Mga Taga Roma 8:1,2).

Ang isang mayaman at nakasisiyang buhay ay ipinamana sa bawat Kristiyano. Ninais ni Jesus na ang buhay Kristiyano ay maging kapana-panabik. Ipinangako Niya, " Ako’y naparito upang sila’y magkaroon ng buhay, at magkaroon ng kasaganaan nito" (Juan 10:10). Kung ikaw ay mamumuhay na malapit sa ating Panginoon, at nasa kapangyarihan ng Kaniyang Espiritu, bawat araw ay magiging kamang-mangha, makahulugan, at may layunin - ang buhay mo’y mag-uumapaw sa mga katangiang ito:

"Ang bunga ng Espiritu ay pag-ibig, katuwaan, kapayapaan, pagpapahinuhod, kagandahang-loob, kabutihan, pagtatapat" (Galacia 5:22).

Ngunit karamihan ng mga Kristiyano ay hindi nakararanas ng masaganang buhay. Ang buhay ng katuwaan at tagumpay na ipinamalas at ipinangako ng ating Panginoon ay malayo sa kanila. Sa halip, itinuturing nila ang buhay Kristiyano na isang pasakit, isang pasaning krus. Tinitiis nila ang pagiging Kristiyano sa daigdig at umaasa na lamang ng ginhawa sa langit.

Hindi ninanais ni Jesus na magkaroon ka ng buhay na bigo at nakatatakot. Tinawag ka Niya sa isang buhay ng katuwaan at tagumpay. Anumang dinaranas mo sa kasalukuyan - kaginhawaan o pasakit, kasaganaan o pangangailangan, kalusugan o pagkakasakit, kalayaan o pagpapahirap - ang ating Panginoon ay nangako ng kapayapaan (Juan 14:27; 16:33). Sinabi Niyang hindi ka Niya iiwanan, at kapag may hiningi ka sa Kaniyang pangalan, gagawin niya ito (Hebreo 13:5, Mateo 28:20; Juan 14:14).

Bilang Kristiyano, ipinangako sa iyo ang pamanang pagtulong, kasaganaan, at katuwaan. Kung gayo’y bakit kakaunti ang mga Kristiyanong tunay na nagagalak sa ipinamana sa kanila? Tatanungin kita: Ikaw ba’y namumuhay nang maligaya at mabungang buhay?

Sa kaniyang Introduction to the New Testament Epistles , isinulat ni J. B. Phillips:

Malaki ang kaibahan ng Kristiyanismo ng unang siglo at ang [Kristiyanismo sa kasalukuyan]. Kalimitan ay itinuturing natin ang Kristiyanismo na isang panuntunang kodigo, isang pilosopiya ng buhay, isang sukatan ng paggawa; ngunit doon sa mga Kristiyano ng unang siglo, ito’y isang bagong uri ng buhay, at hindi sila mag-aatubiling sabihing ito’y si Kristong nabubuhay sa kanila. Marahil kung ating paniniwalaan ang kanilang pinaniwalaan, magagawa natin ang kanilang nagawa.

Niyanig ng simbahan ng unang siglo ang kanilang mundo. Napuspos ng Banal Na Espiritu at naudyukan ng pag-ibig ng Diyos, dinala ng unang simbahan ang balita ng pag-ibig at pagpapatawad ng Diyos sa buong mundo. Wala pang nakagawa ng ganong impluwensiya sa mundo mula sa mga karaniwang lalaki’t babae katulad nila.

Ang mga Kristiyanong iyon ay mga karaniwang tao, katulad mo at ako, na nakakilala ng pag-ibig at pagpapatawad ng Diyos. Sa ilalim ng kapangyarihan ng Banal Na Espiritu ay naabot nila ang mga taong nasa pamamahala ng tiranikong pamahalaan.

Kung naranasan mo na ang pag-ibig at pagpapatawad ng Diyos, maiimpluwensiyhan mo rin ang daigdig.

Ang daigdig sa ngayon ay puno ng pangamba, takot, at krisis. Ang kalakhan ng daigdig ay nasa kaguluhan. Ang daigdig ay nasa magulong kalagayan. Ang bawat bahagi ng lipunan sa bawat bansa ng daigdig ay mayroong kaguluhan sa pulitika, sa ekonomiya, kahit na sa relihiyon.

Sa Amerika, halimbawa, nasaksihan natin ang epidemiya ng krimen, pagkalulong sa gamot na ipinagbabawal at sa pag-inom ng alak, mga malalaswang palabas, AIDS at sakit na nakukuha sa pagtatalik,paglalaglag ng bata, mga nawasak na tahanan at diborsiyo (divorce) - ilan lamang sa mga malubhang suliraning kinakaharap ng bansa.

Mga di-mabilang na makataong kalutasan ang iminungkahi na, ngunit ang krisis ay lalong lumulubha. Ang mga tao’y naghaharap ng kapayapaan sa kanilang mga magulong kaugnayan, ng sagot sa malalim na damdaming kawalang kabuluhan ng buhay, at ng di-maipaliwanag na paghahangad ng isang bagay na wala sa kanila.

Ang kawalan ng lunas sa mga suliranin ay nagdadalang muli sa mga tao pabalik sa Diyos. Ang Espiritu ng Diyos ay lumilikha ng walang katulad na kagutuman sa puso ng mga tao. Bumabaling ang mga tao ay Kristo at nakararanas ng kahanga-hangang pag-ibig at pagpapatawad ng Diyos.

Ngunit maliit na bilang lamang yaong gumagawa ng dakilang pag-aani. Sa kabila ng napakalaking pagkakataong ito, ang mga Kristiyano kalimita’y hindi nakadarama ng ligayang dulot ng pag-aani na inihanda ng Diyos. Ang karamiha’y nabubuhay na walang espirituwal na kakayahan, kabiguan, at pagkabaog. Ang karaniwang tao at maging ang mga pastor ay di man lang makapagdala ng isang tao kay Kristo.

Samakatuwid ay maraming Kristiyano ang namumuhay sa paraang hindi nakaaakit sa iba upang magkaroon ng kaugnayan sa ating Panginoon. Katunaya’y maraming namumuhay sa paraang di nakaaakit sa iba upang magkaroon ng kaugnayan sa kanila mismo.

[Nakaraang Pahina // Paano Ka Makararanas ng Pag-Ibig at Pagpapatawad ng Diyos // Susunod na Pahina]

Jesu Cristo

Sino si Jesus?

Ang Pelikulang Jesus Ang Apat na Tuntunin Ang Buhay Na Puspos ng Banal na Espiritu Mga Oportunidad Mga Makatutulong na Impormasyon

© 1998-2003 Philippine Campus Crusade for Christ| webmaster@greatcom.org

03/19/01