Tagalog sa Web mga ibang wika
Mga Maililipat na Paniniwala ni Dr. Bill Bright Paano Ka Makararanas ng Pag-Ibig at Pagpapatawad ng Diyos

Pansariling Gabay Sa Pag-aaral


1. Paano inilarawan ng I Corinto 2:14 ang isang taong nasa likas na katauhan?

2. Paano inilalarawan ng mga sumusunod na talata ang isang Kristiyanong espirituwal?

a. Mga Taga Roma 14:22-15:3
b. Galacia 5:22- 6:2

3. Paano inilalarawan ng I Corinto 3 at Mga Taga Roma 1 ang makamundong mananampalataya?

4. Ano ang naglalarawan sa iyong buhay: "tao sa likas na katauhan", "taong espirituwal", o "makamundong mananampalataya?" Ano ang nais mong baguhin sa iyong buhay? Paano mo gagawin ito?

5. Sa sarili mong pananalita, ipaliwanag kung paano nauugnay ang Mga Taga Roma 7:14-19 sa iyong buhay.

6. Ano ang kahulugan ng pangako sa Roma 8:1 sa iyo?

7. Bakit mahalaga sa Diyos kung may kasalanan sa iyong buhay?

8. Ano ang sinasabi ng mga sumusunod na talata tungkol sa pananaw ng Diyos sa kasalanan?

a. Efeso 2:1
b. Mga Awit 107:17
k. Isaias 59:2
d. Habacuc 1:13

9. Anong kaugnayan mayroon ang kayabangan at pagpapakumbaba sa buhay Kristiyano? (Tingnan ang Kawikaan 11:2; 15: 33)

10. Anong katiyakan ang ibinibigay ng mga sumusunod na talata tungkol sa paglilinis ng Diyos sa kasalanan?

a. Mga Awit 103:3, 9-12
b. Mga Awit 86: 5
k. Mateo 12:21
d. I Juan 1:9

11. Paano inilalarawan ng Hebreo 11:1 ang pananampalataya? Paano mo isasagawa ang talatang ito sa iyong buhay na pang araw-araw?

12. Ano ang sinasabi ng mga sumusunod na talata tungkol sa pagpapalago ng pananampalataya?

a. I Corinto 2:1-5
b. 2 Corinto 4:13-18
k. Galacia 5:6
d. Santiago 2: 14-26

13. Isinasaad ng Salita ng Diyos na ang iyong mga kasalanan ay napatawad na. Bakit kung ganon ipinahahayag pa natin ito?

14. Kung ang isang tao’y nagpahayag na ng kasalanan at inangkin na ang kapatawaran ngunit nakadarama pa rin ng pagiging maysala, ano ang dapat niyang gawin?

15. Naipahayag mo na ba ang lahat ng kasalanan sa Diyos at itinuwid na ang bawat maling nagawa mo sa kapuwa? (Basahin Mateo 5:23, 24). Kung hindi pa, ano ang maaaring gawin mo pa?

16. Alalahanin ang isang kasapi ng iyong pamilya o trabaho na hindi pa nakakakilala kay Kristo. Paano mo siya maaakit sa paniniwalang may sigla at pananabik ang mabuhay para kay Kristo?

17. Mayroon bang di-nahahayag na nagiging hadlang sa daloy ng kapangyarihan ng Diyos sa iyong buhay? Maglagak ng ilang sandali upang itala ang ilang kasalanang ipinahihiwatig ng Banal Na Espiritu. Isulat ang I Juan 1:9 sa tapat ng talaan. Angkinin ito para sa iyong buhay. Itapon ang talaan at magsagawa ng pagsasauli kung kinakailangan.

[Nakaraang Pahina // Paano Ka Makararanas ng Pag-Ibig at Pagpapatawad ng Diyos // Susunod na Pahina]

Jesu Cristo

Sino si Jesus?

Ang Pelikulang Jesus Ang Apat na Tuntunin Ang Buhay Na Puspos ng Banal na Espiritu Mga Oportunidad Mga Makatutulong na Impormasyon

© 1998-2003 Philippine Campus Crusade for Christ| webmaster@greatcom.org

07/11/06