Tagalog sa Web mga ibang wika

dove.gif (15162 bytes)
Isang Pagsisiyasat Sa Biblia

Pangkat 1

Sino Si Jesus?
Isang Pagsisiyasat Sa Biblia
I. Si Jesus: Mga Tala ng Kaniyang Pinagmulan

Sa araling ito makikita natin:

Paaanong Naaangkop ang Ebanghelyo ni Lucas sa Kasaysayan
Na si Jesus ay ang "Anak ng Diyos"
Ang sinabi ni Jesus na Gagawin Niya

Pagsisimula sa Bagong Tipan

Ang Bagong Tipan ay binubuo ng mga maiikling aklat at sulat. Ang ating Bibliyang Ingles ay salin ng mga naunang Kristiyano. Sinasabi ng mga dalubhasa na masisiguro natin na ang mga teksto na basehan ng mga saling ito ay may kakaunting kamalian. Paano tayo makatitiyak?

Sa mga naunang araw ng mga Kristiyano, maraming mga nasulat tungkol sa buhay ni Jesus. Ngunit may mga natatangi dito - yaong mga isinulat ng mga tagasunod ni Jesus at ng kanilang mga malapit na kaibigan. Ang mga ulat ng ebanghelyo, at sulat na ito ay maiging kinopya ng kamay. Sa mga taong sumunod, nakakita ang mga arkelogista ng mga orihinal na sulat na pira-pirasong bahagi ng Bagong Tipan, at may kumpletong bahagi pa nga. Sa paghahambing dito ay makikita natin kung gaano kalapit tayo sa manunulat ng Bagong Tipan. Ang iba sa mga kopyang ito ay wala pang 100 taon matapos na masulat ang mga orihinal na ebanghelyo o sulat. Para magkaroon tayo ng ideya kung gaano kainam ang katunayang ito, paghambingin ang Bagong Tipan sa mga sulating kasintanda nito. Halimbawa si Julius Caesar ay sumulat ng aklat na tinawag na "The Gallic War" mga 50 taon bago ipanganak si Cristo. Wala tayong orihinal na kopya. Ngunit mayroon tayong siyam o sampung kopya, at ang pinakamaaga dito ay ginawa nang may 900 taon na matapos ang orihinal. Ito ay normal lamang sa mga matatandang sulatin.

Kapag nasuri natin ang ebidensiya ng kasaysayan patungkol sa Biblia, ating mababatid na may libo-libong orihinal na sulat ang Bagong Tipan. Samakatuwid, ay may magandang dahilan tayo upang maniwala na alam din natin ang alam nina Lucas, Pablo, at iba pang manunulat.

Tungkol sa May-akda

Ang may-akda ng ebanghelyo, si Lucas, ay sumulat din ng isa pang aklat sa Bagong Tipan, Ang Mga Gawa. Siya lamang ang manunulat ng Bagong Tipan na hindi Hudyo, at siya ay isang duktor. Mga nagsasariling katunayan ang nagsasaad na siya ay isang maingat at may katiyakang mananalaysay.

A. Ebanghelyo ni Lucas: Katotohanan o Kathang-isip?

Basahin: Lucas 1: 1-4

1. Saan kinuha ni Lucas ang kaniyang impormasyon? (1:2)

2. Paano niya isinulat ito? (1:3)

3. Bakit kaya isinulat ni Lucas ang ganitong panimula?

B. Saan nagmula si Jesus?

Nagbigay si Lucas ng mga detalye ng natatanging pinagmulan ni Jesus, at ang mga sumusunod na talata ay nagpapaliwanag kung paanong ang kapanganakan ni Jesus ay hinulaan.

BASAHIN: Lucas 1:26-38

1. Ano ang magiging hinaharap ng anak ni Maria? (1:32,33)

2. Paano ipaglilihi si Jesus? (1:35-37)

3. Si Jesus ay sinasabing Anak ng Diyos. Ano ang sinasabi sa mga talatang ito tungkol sa pagkakaroon ni Jesus ng "dalawang pinagmulan?"

K. Ipinaliwanag ni Jesus ang Kaniyang layunin

Ipinanganak si Jesus sa Betlehem ng Judea sa Timog Palestino. Lumaki siya sa isang lubhang pangkaraniwang bayan, na pinanganlang Nasaret na matatagpuan sa Galilea na nasa Hilagang Palestino. Si Jesus ay isang karpintero, ngunit sa idad na 30, naging gurong relihiyoso siya na naglalakbay sa bayan-bayan.

Sa Lucas 4:14-22, mababasa natin na nagsimulang magturo s Jesus. Nagtungo siya sa sinagoga na siyang sambahan. Bagaman wala siyang naabot na pag-aaral gaya ng karaniwang Hudyo, gusto ng mga taong makinig sa Kaniya. Nahilingan siyang magsalita sa sinagoga sa Nasaret.

BASAHIN: Lucas 4: 14-22

1. Anong uri ng mga tao ang natulungan ni Jesus? (4:18)

Sino sa palagay mo ang mga ito?

2. Ano ang Kaniyang ipahahayag? (4:19)

Ano ang kahulugan nito?

3. Ano kaya ang pagkaunawa ng mga tao sa sinagoga ng bigkasin ni Jesus ang talatang 21?

Pag-isipan

Naparito si Jesus upang tulungan ang mga "dukha", ang mga "bihag", ang mga "bulag", at ang mga nangaaapi". Sabihin kung sa paanong paraan na ang mga tao ngayon ay dukha, bihag, bulag, o nangaaapi?

[ Pangkat II]

Jesu Cristo

Sino si Jesus?

Ang Pelikulang Jesus Ang Apat na Tuntunin Ang Buhay Na Puspos ng Banal na Espiritu Mga Oportunidad Mga Makatutulong na Impormasyon

© 1998-2003 Philippine Campus Crusade for Christ

07/11/06