| mga ibang wika |
Pangkat 2 |
Sino Si Jesus? Isang Pagsisiyasat Sa Biblia |
|
| II. Si
Jesus: Ang Manggagamot Sa unang pag-aaral ay nakita natin na si Jesus ay isang di-pangkaraniwang tao; Siyay Anak ng Diyos. Naparito Siya sa daigdig upang tugunin ang malalim na pangangailangan ng tao. Sa kasalukuyang pag-aaral ay tutunghayan natin kung paano tinugon ni Jesus ang mga pangangailangan ng ilang tukoy na tao. Saan mang tumungo si Jesus, nakasusumpong siya ng mga taong nangangailangan. Kalimitan, ang mga taong nakatagpo niya ay may mga karamdamang walang lunas, ngunit nabago niya ang kanilang buhay nang Kaniya silang pinagaling. Pinagaling Niya ang biyenang babae ni Pedro, ang utusan ng isang opisyal na sundalong Romano, ang isang lalaking may paralitikong kamay, isang babaeng lumpo, isang paralitikong lalaki, mga taong may bagabagin sa espiritu at isip o mga may sakit sa balat, mga bulag na tao; at binuhay rin niya ang patay (Lucas 4:40). A. Ang isang bulag na pulubi ay gumaling BASAHIN: Lucas 18: 35-43
Ito ang lalaking binigyan ni Jesus ng "muling pagkakita" (Lucas 4:18). Pinagaling Niya ang maraming tao ng ibat ibang sakit sa katawan. Ngunit pinagaling Niya rin ang mga tao sa ibat ibang paraan. B. Si Jesus at si Zaqueo Ang mga namumunong Romano ay may mga taga-singil ng buwis sa may pinakamalaking turing. Walang suweldo ang mga maniningil ng buwis. Kung kaya naniningil sila ng buwis nang labis nang sa gayon ay labis ang matitira sa kanila matapos nilang bayaran ang pamahalaan. Si Zaqueo ay isa sa mga mambubuwis na ito - suwapang at kinayayamutan ng mga tao. BASAHIN: Lucas 19: 1-10
Pag-isipan: Si Zaqueo ay bihag ng kaniyang sariling kasibaan. Binigyan siya ni Jesus ng kalayaan. Sinabi ni Jesus na naparito Siya upang "hanapin at iligtas ang mga nawawala." Nagbago ang mga tao nang makilala nila si Jesus. Anong pagbabago kaya ang maaaring maganap sa iyong buhay kapag nakatagpo mo si Jesus? |
| Jesu Cristo | Ang Pelikulang Jesus | Ang Apat na Tuntunin | Ang Buhay Na Puspos ng Banal na Espiritu | Mga Oportunidad | Mga Makatutulong na Impormasyon |
© 1998-2003 Philippine Campus Crusade for Christ| webmaster@greatcom.org
03/19/01