Tagalog sa Web mga ibang wika

dove.gif (15162 bytes)
Isang Pagsisiyasat Sa Biblia

Pangkat 3

Sino Si Jesus?
Isang Pagsisiyasat Sa Biblia
III. Si Jesus: Ang Guro

Sa nahuling pag-aaral nakita natin si Jesus "Ang Manggagawa." Nguni’t hindi lamang nagtungo ang mga tao kay Jesus upang magpagaling, nais din nilang makinig sa Kaniya. Maraming pulutong ng mga tao sa buong bansa ang pumaroon upang marinig ang Kaniyang sasabihin. Nagpahayag Siya ng tungkol sa: kaharian ng Diyos , panalangin, ang maalam at banal na pamumuhay, pag-ibig at kapatawaran, at ang tungkol sa Kaniyang Sarili.

Hindi lahat ay nagustuhan ang pangangaral ni Jesus. Nagsalita Siya laban sa mga relihiyosong lider na mapagkunwari. Nagbigay ng mapagkunwaring mga tanong sa Kaniya ang mga kaaway ngunit palaging sinasagot niya Niya ito nang may kaalaman. Kahit na nga nais ng mga relihiyosong lider na ito na patayin si Jesus, mahirap para sa kanilang gawin ito dahil nais ng mga taong mapakinggan Siya at "natitigilan ang buong bayan sa pakikinig sa kaniya" (Lucas 19: 48).

Sa pag-aaral na ito, pag-uusapan natin ang dalawa sa pinakakilalang talinghaga (kuwentong nagtuturo ng katotohanan mula sa Biblia) na naikuwento ni Jesus.

A. Ang mabuting Samaritana

1. Ano sa palagay mo ang mga pinakamahalagang bagay sa buhay?

Maraming tao ang nagtungo kay Jesus para sa ilang mahahalagang katanungan. Ang gustong malaman ng isang lalaki ay kung ano ang mangyayari sa kaniya kapag namatay siya. Tinanong niya si Jesus kung paano "magkakaroon ng buhay na walang hanggan." Sinabi ni Jesus na matutunghayan ng lalaki ang sagot sa Kasulatan mismo (Lucas 10: 27).

BASAHIN: Lucas 10: 25-28

2. Ano ang sinabi ng lalaki na dalawang pinakamahalagang bagay sa buhay? (10:27)

Ano ang palagay mo sa sagot na ito?

Tinanong si Jesus, "Sino ang aking kapwa?" Sinagot ito ni Jesus sa pagkukuwento ng tungkol sa mabuting Samaritana.

BASAHIN: Lucas 10: 29-37

3. Ano ang maling ginawa ng saserdote at Levita? (10:31, 32)

Sinuway ba nila ang prinsipyong "Hindi ko sinasaktan ang sinuman." Sinira ba nila ang

Utos?

4. Dahil sa kanilang relihiyon at kultura, mapaghamak ang tingin ng mga Hudyo sa mga Samaritano (Gentil). Paano nagpamalas ng pag-ibig ang Samaritana sa talinghagang ito?

5. Paano mo sasagutin ang tanong, "Sino ang aking kapwa-tao"?

Si Jesus ay parang isang mabuting Samaritana sa akin. Nakikita Niya ang ating mga pangangailangan at kabiguan, at sa halip na lampasan tayo, lumalapit siya upang tumulong.

B. Ang nawawalang anak

Ito ay simpleng kuwento ngunit isa sa mga pinakadakila sa daigdig ng panitikan. Inilalahad nito kung ano ang suliraning namagitan sa dalawang tao upang ipakita kung paano tumutugon ang tao sa Diyos.

BASAHIN: Lucas 15:11-32

1. Ano sa palagay mo ang iniisip ng nakababatang anak nang lisanin nito ang kanilang tahanan (15:12, 13). Saan siya nagtungo? ( 15:13). Ano kaya ang naramdaman ng ama sa pag-alis ng anak?

2. Sa simula ay maayos pa ang lagay ng anak. Anong masamang pangyayari ang sumunod? (15:14-16).

3. Nagbago ang isipan ng anak. Bakit? (15:17).

Paano niya ipinakita ang pagbabago ng isip? (15:18-20)

4. Ano naman ang nasa isipan ng ama? (15:20, 22-24)

5. Paano inilalarawan ng kuwentong ito ang relasyon natin sa Diyos?

[Pangkat II/ Isang Pagsisiyasat Sa Biblia/Pangkat IV]

Jesu Cristo

Sino si Jesus?

Ang Pelikulang Jesus Ang Apat na Tuntunin Ang Buhay Na Puspos ng Banal na Espiritu Mga Oportunidad Mga Makatutulong na Impormasyon

© 1998-2003 Philippine Campus Crusade for Christ| webmaster@greatcom.org

03/19/01