Tagalog sa Web mga ibang wika

dove.gif (15162 bytes)
Isang Pagsisiyasat Sa Biblia

Pangkat 5

Sino Si Jesus?
Isang Pagsisiyasat Sa Biblia
V. Si Jesus: Ang Tagapag-bigay buhay

Ang huling bahagi ng Lucas ay nagtatala ng kamangha-manghang pangyayari ng muling pagkabuhay. Matapos mapako si Jesus, ang mga alagad Niya ay natakot sa mga Hudyo. Bagaman sila’y patuloy na nagtatagpo, ginawa nila ito ng lihim. Kapagdaka ay dumating si Jesus.

Si C. S. Lewis, isang popular na manunulat at Kristiyano ay nagsabi:

Ang mga manunulat ng Bagong Tipan ay nangusap na parang ang pagkabuhay ni Jesus mula sa mga patay ay walang katulad na pangyayari sa kasaysayan ng santinakpan. Binuksan Niya ang isang pintuang nakasara buhat pa sa pagkamatay ng unang tao. Hinarap Niya, nilabanan, at nagapi ang hari ng kamatayan.

A. Ang Muling Pagkabuhay

BASAHIN: Lucas 24: 1-53

1. Ano kaya ang naramdaman ng mga alagad nang makita nilang nakapako si Jesus?

Ang balita’y dumating sa kanila na si Jesus ay buhay nang muli. Ang reaksiyon ng mga alagad ay nagpapakita na hindi nila inaasahan ito. Inakala nilang ito’y kuwentong walang katuturan (talatang 11). Ang dalawang naglalakad sa daan ay nagsabing sila’y nagulat sa balita (talatang 22) at sinabi mismo ni Jesus na alinlangan sila sa kanilang isip (talatang 38). Kahima’t ganito, iba’t ibang tao ang naniwala na si Jesus ay bumangon mula sa mga patay.

2. Bakit naniwala ang mga babae (24:5-8)?

3. Bakit naniwala ang dalawang tao sa daan ( 24:25-32)?

4. Bakit naniwala ang grupo ng mga alagad (24:33-43)?

5. Paano nagbago ang isipan ng mga alagad tungkol kay Jesus (24:52, 53)?

Ang muling pagkabuhay ni Jesucristo ay siyang kasukdulan ng Kaniyang gawain. Nagbangon Siya sa mga patay gaya ng Kaniyang sinabi. Ito’y hamon sa atin na paniwalaan ang iba pang mga bagay na nasabi Niya tungkol sa Kaniyang sarili. Ang muling pagkabuhay ay humahanap ng tugon mula sa atin.

B. Ang Pagtugon kay Cristo

Tingnan natin ang isang natatanging babaeng tinukoy ni Lucas, at matyagan kung paano siya tumugon kay Jesus.

BASAHIN: Lucas 7: 36-50

Ang babaeng ito ay may masamang lumipas. Ang kaniyang pakikitungo kay Jesus ay lubhang kaiba sa masyadong pormal na pakikitungo ni Simong Fariseo.

1. Bakit ganon ang naging aksiyon ng babae (7:37, 38)?

2. Isinalaysay ni Jesus kay Simon ang isang kuwento upang ipaliwanag ang aksiyon ng babae (7:40-47). Bakit Niya ginawa ito?

3. Paano nabayaran ang sala ng babae sa Diyos (7:48)?

4. Ano ang kahulugan ng "panananampalataya" (7:50)?

5. Ano ang kahulugan ng "yumaon kang payapa" para sa babae (7:50)?

Tiyak niyang may kapayapaan siya sa Diyos. Tinanggap at pinatawad siya ni Jesus dahil sa Kaniyang pag-ibig at kahabagan. Wala siyang maaaring gawin upang tumanggap ng Kaniyang pagtugon. Ngayon siya’y malaya na upang mabuhay na isang bagong tao.

Maaari din tayong makatiyak nang ganoon. Hindi natin kayang bayaran ang ating pagkakautang sa Diyos. Ngunit kung tayo’y lumapit kay Jesus tulad ng babaeng ito, alam nating patatawarin at tatanggapin Niya tayong lubos. Sa nakaraang pag-aaral, pinag-usapan natin kung paano ito nagaganap dahil sa pagkamatay ni Jesus para sa atin.

K. Ang Pagiging Kristiyano

Ang makasalanang babae ay nagtungo kay Jesus at kinilala ang kaniyang pagkakasala. Pinagkatiwalaan Niya si Jesus na patawarin siya, at pinasalamatan Siya sa bagong buhay na Kaniyang kaloob. Dapat nating gawin ito kung nais nating magkaroon ng kapayapaan sa Diyos ngayon at magpawalang hanggan.

Maaaring manalangin ka tulad ng sumusunod:

Jesus, nababatid ko na sarili ko ang pagpapatakbo ng aking buhay at ako’y naghimagsik laban sa iyo. Salamat sa pagkamatay mo dahil sa aking mga kasalanan. Binubuksan ko ang aking buhay sa Iyo at hinihiling kong Ikaw nawa ang aking maging Tagapagligats at Panginoon. Gawin Mo po akong taong nabubuhay ayon sa Iyong kalooban. Amen.

[Pangkat IV/ Isang Pagsisiyasat Sa Biblia]

Jesu Cristo

Sino si Jesus?

Ang Pelikulang Jesus Ang Apat na Tuntunin Ang Buhay Na Puspos ng Banal na Espiritu Mga Oportunidad Mga Makatutulong na Impormasyon

© 1998-2003 Philippine Campus Crusade for Christ| webmaster@greatcom.org

03/19/01